^

PSN Palaro

3rd spot nasolo ng Talk N Text

-

MANILA, Philippines - Nangibabaw ang de­fending champion Talk N Text sa mahigpit na labanan kontra sa Purefoods, 101-98 upang masolo ang ikatlong puwesto sa KFC PBA Philippine Cup na dumako sa Xavier University gym sa Cagayan de Oro City kagabi.

Umiskor si Mac Mac Cardona ng jumper upang ilagay sa trangko ang Tropang Texter, 99-98, 45 segundo ang nala­labing oras sa laro.

Nasira ang diskarte ni James Yap, ang top sco­rer ng Purefoods na nagsumite ng 28-points, nang maagawan ito at tawagan ng loose ball foul laban kay Jimmy Ala­pag na kanyang ini­reklamo kaya pinata­wan pa ito ng technical foul ngunit para sa tatlong free-throws ni Alapag ngunit wala siyang nai­pasok sa mga ito.

Gayunpaman walang nangyari sa krusyal na posesyon ng Purefoods nang mabigo silang makaiskor at nakakuha ng foul si Ali Peek kay Kerby Raymundo.

Parehong ipinasok ito ni Peek para sa pani­gurong 101-98 kalama­ngan, 2.3 segundo ang natirang oras sa huling posesyon ng Purefoods na hindi nila nagamit ma­tapos ang isang turnover sa inbound passing error.

Ito ang ikatlong su­nod na panalo ng Talk N Text at ika-siyam sa 13-laro na nasa likod ng leader na Alaska (10-1) at pumapangalawang San Miguel (11-3) habang nalaglag sa ika­limang puwesto ang Purefoods (8-6 sa likod ng Ginebra (8-5).

Samantala hangad ng Coca-Cola na ma­ka­bingwit ng malaking isda matapos makasung­kit na malaking tagumpay na nag-ahon sa kanila mu­la sa walong sunod na talo

Sasagupain ng Tigers ang Alaska sa alas-4:00 ng hapon sa pa­gpapatuloy ng KFC PBA Philippine Cup na magpapatuloy sa Ara­neta Coliseum.

 Sa ikalawang laro mag­haharap naman ang sister teams na San Miguel at Barangay Ginebra sa alas-6:30 ng hapon kung saan ha­ngad ng Beermen ang ikatlong sunod na ta­gumpay.   (MBalbuena)

vuukle comment

ALI PEEK

BARANGAY GINEBRA

JAMES YAP

JIMMY ALA

KERBY RAYMUNDO

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

SAN MIGUEL

SHY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with