^

PSN Palaro

Orteza, Rudas umusad sa semifinals

-

MANILA, Philippines - Hindi mapigil sa kani-lang husay, kapwa umusad sina top seed Patricia Orteza at Marinel Rudas makaraang paluin ang mga kalaban at sumulong sa girls’ 18-and-under semifinals ng 28th Philippine Columbian Association Open sa PCA indoor courts sa Plaza Dilao, Manila.

Hinambalos ni Orteza si Bea Fabregas, 6-1, 6-2, upang isaayos ang duelo sa semis sa pagitan ng magwawagi kina Liza Ma-gaway at Joan Opulencia habang hinambalos naman ni Rudas si Tamitha Nguyen, 6-3, 6-2, para naman itakda ang showdown kanino man kina Alyssa Mendoza o Alexandra Lopez.

Sa girls’ 16, walang habas na binaon, pumalo para sa panalo ang top seed na si Shanine Olivarez para pataubin ang unseeded na si Patricia Ong sa pamamagitan ng 6-0, 6-0 upang manguna sa semifinals .

 Umabante sa semis sa pamamagitan ng laban kay Monika Banez, 6-1, 6-1, kinondena ng 15 anyos na si Olivarez ang unang slot sa finals sa pakikipagtagisan nito sa third pick na Samantha Coyiuto.

Habang matindi namang ang banggaan nila second seed Marian Capadoncia at No. 4 Macy Gonzales na papalo para sa tiket sa susunod na round matapos na mapagtagumpayan ang kani-kanilang engkwentro sa quarterfinals.

Sa isa pang laban, pi-nayukod ni Capadoncia si JV Custodio mula1 sa 7-5, 6-2 panalo habang hiniya rin ni Gonzales si Joana Carnay, 6-0, 6-1.

Para naman sa boys’ 18-under, ang fifth seed na si AJ Rivero ay naniguro ng kanyang pwesto sa semis nang patalsikin ang top seed na si Nic Magaway, 4-6, 7-5, 10-6. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ALEXANDRA LOPEZ

ALYSSA MENDOZA

BEA FABREGAS

JOAN OPULENCIA

JOANA CARNAY

LIZA MA

MACY GONZALES

MARIAN CAPADONCIA

MARINEL RUDAS

MONIKA BANEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with