^

PSN Palaro

UE vs Ateneo sa UAAP Finals

-

MANILA, Philippines - Matapos ang madu-gong labanan kahapon, nadetermina na kulay asul at pula ang magsasagupa para sa championship ng UAAP seniors basketball tournament sa Araneta Coliseum. 

Bagaman nasa ikatlong pwesto, hindi inalintana ng University of the East ang naging posisyon ng Far Eastern University para wakasan ang semis at umusad sa best of three finals ng naturang liga.

Katulad ng inaasahan, umarangkada si Paul Lee at Val Acuna upang angkinin ang natitirang pwesto para sa titulo.

Nagbuslo ng tig-17 points, walang patid na kumayod ang dalawa.

Sa tulong ni Pari Llagas na kumolekta ng 16 points at 11 rebounds, nadurog ang pag-asa ng host na Tamaraws na matabunan ang pamamayani ng grupo kontra sa kontrobersyal na balitang kinauugnayan ni Mark Barroca tungkol sa game-fixing.

“I told the boys at halftime that this is the game of their lives, play like there’s no tomorrow. We settled down in our defense in the second half, masyado kaming relax sa first half,” wika ni UE coach Lawrence Chongson.

“The Warrior will have prevailed, hope we can pull thru against the Blue Eagles,” dagdag pa nito.

Masakit na kabiguan ang tinamo ng Far Eastern University dahil tuluyang nabalewala ang pinagpaguran ng Recto-based cagers nang paluhurin ng Red Warriors.

Sinubukang pumiglas, naiposte ni Aldrech Ramos ang kalamangan pabor sa Tamaraws, 68-63 su-balit agad na inapula ng Red Warriors sa pamamagitan ng go ahead lay up ni Llagas para agawin ang kalama-ngan, 70-68, may 5:43 tikada. Kinonsidera ang natitirang oras, pinilit ng Tams na makahabol para iguhit ang 70-70 iskor sa pag-iskor ni Reil Cervantes.

Matindi ang pagha-hangad, binakuran ng UE ang pagkakataon upang protektahan ang paghaha-ngad na umusad sa Finals. Dahil dito, nabalewala na rin ang 12 points 11 boards ni Cervantes at 10 points, 11 rebounds produksyon ni Ramos.

Sa Linggo, nakatakda na ang pagbubukas ng series opener ng kampeonato ng liga sa Big Dome. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ALDRECH RAMOS

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY

LAWRENCE CHONGSON

MARK BARROCA

PARI LLAGAS

PAUL LEE

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with