^

PSN Palaro

Lady Falcons, Lady Tams mag-aagawan sa No. 3

-

MANILA, Philippines – Maaksyong sagupaan sa Final Four ang masasaksihan kung saan tutukuyin ang karampatang pwesto ng Adammon at Far Eastern U sa semis sa pagsasara ng quarterfinals series ng ikaanim n edisyon ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City.

Ang mananaig sa pang-alas kuwatrong bakbakan ay susuong sa butas ng karayom para kalabanin ang No.2 seed na SSC, habang ang matatalo ay makikipagtagisan sa nangungunang UST para sa best-of-three series ng ligang hatid ng Shakeys Pizza at ipinirisinta ng Cherifer.

Sa ikalawang pagkaka-taon, sinakmal ng Lady Tigers ang Lady Stags nang payukurin ang huli sa engkuwentro noong Linggo.

Sa kabilang dako, hawak ang parehong 2-2 kartada, pinaglalabanan ng Lady Tams at Lady Falcons ang No. 3 at No.4 slot, kung saan tutukuyin kung sino ang kanilang makakaharap.

Sa pagkawala ni Tina Salak na nagtamo ng ankle injury bunga ng huling laban kontra SSC, sisiguruhin ng Lady Tams na malalakas na palo ang igagawad nila sa Falcons para ipwesto sa No.3 slot ang koponan.

Samantala, sa pagbubukas ng laban, maghahamunan ang University of San Jose Recoletos at University of St. LA Salle Bacolod na kapwa wala pang naitatalang panalo. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

FAR EASTERN U

FINAL FOUR

LADY FALCONS

LADY STAGS

LADY TAMS

LADY TIGERS

SALLE BACOLOD

SAN JUAN CITY

SARIE NERINE FRANCISCO

SHAKEYS PIZZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with