Bonus sinakmal ng Chameleons

MANILA, Philippines — Hinataw ng Nxled ang pang-pitong sunod na panalo matapos talunin ang Creamline, 25-20, 12-25, 25-21, 25-19, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Isang 11-0 atake sa likod ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang inilunsad ng Chameleons sa fourth set para iligpit ang Cool Smashers.
Tumipa si playmaker Gel Cayuna ng 20 excellent sets para sa 7-0 record ng Nxled at kunin ang una sa dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa semifinals.
Nahulog ang Creamline sa ikatlong dikit na kamalasan para sa kanilang 4-3 record.
Sa unang laro, tuluyan nang sinibak ng ZUS Coffee ang Akari sa pamamagitan ng 25-22, 22-25, 25-18, 25-21 panalo.
Pumalo si AC Miner ng 16 points, habang may 12 at 11 markers sina Zam Nolasco at Chinnie Arroyo, ayon sa pagkakasunod.
Ang back-to-back wins ng Thunderbelles ang nagpaganda sa kanilang baraha sa 2-5 katabla ang talsik na ring Capital1 Solar Energy.
Mahalaga ang bawat panalo patungo sa All-Filipino Conference Sigla Series.
Ang puwestuhan sa unang dalawang serye ang magdedetermina sa magiging posisyon ng isang koponan sa pinakahuling AFC Sinag Series.
Laglag ang Chargers sa 3-5 marka.
- Latest


















