^

PSN Palaro

Heat sinilaban Rockets para sa ika-5 dikit

Pilipino Star Ngayon
Heat sinilaban Rockets para sa ika-5 dikit
Pumuwersa sa loob si Giannis Antetokounmpo ng Miami Heat laban sa depensa ng Sacramento Kings.

MIAMI — Naglista si Giannis Antetokounmpo ng 20 points at 13 rebounds, habang umiskor sina Andrew Wiggins at Klay Thompson ng tig-17 markers sa 128-110 pag­pa­pabagsak ng Heat sa Houston Rockets.

Kumonekta si Thompson ng limang three-point shots para sa kanyang pang-2,952 triples at 21 tres ang agwat kay Ray Allen (2,973) para sa third spot sa all-time 3-point list.

Ito ang pang-limang su­nod na arangkada ng Mia­mi (8-6).

May 16 points din si Bobby Portis Jr. para sa host team na naglaro na wala si Bam Adebayo (right hip tightness) sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Bumira si Alperen Sengun ng 23 points para sa Houston (11-4) na nagwa­kas ang four-game winning streak.

Nagdagdag si Kevin Du­rant ng 22 points para sa kanyang kabuuang 32,917 points at 83 points ang la­yo para makumpleto ang 33,000-point milestone.

Tanging sina LeBron James, Kareem Abdul-Jab­bar, Karl Malone at Kobe Bryant ang mga miyembro ng nasabing elite club.

Kaagad kinuha ng Heat ang 29-15 abante sa first period at hindi na hinayaan ang Rockets na makalapit.

Sa iba pang laro, si­na­pawan ng Orlando Magic ang Boston Celtics, 115-105; tinusok ng Cleveland Ca­valiers ang Chicago Bulls, 126-115; wagi ang Memphis Grizzlies sa Wa­shington Wizards, 136-120; binutas ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets, 135-123; tinalo ng Min­nesota Timberwolves ang Portland Trail Blazers, 106-98; dinaig ng New Orleans Pelicans ang Golden State Warriors, 115-94; at sinunog ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets, 117-105.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with