^

PSN Palaro

Umaatikabong bakbakan sa Shakey's V-League

-

MANILA, Philippines – Matinding sagupaan ang paniguradong magsisiklab sa tampok na laro ngayon sa paghaharap ng dalawang de kalibreng koponan na UST at FEU para sa pagpapatuloy ng sixth Shakey’s V-League na gaganapin sa The Arena, San Juan City dakong alas kwatro ng hapon.

Matutunghayan ang maak-syong laro ng Lady Tamaraws na naghahangad makuha ang solong liderato kontra sa naghihimagsik na Lady Tigers na lumasap ng pagkabigo sa Ateneo Oracare, na humadlang sa three game run at quarterfinal drive sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Samantala, para sa opening frame, matira ang matibay para sa bakbakang St. Benilde at Lyceum, sapagkat kung sino man ang magwagi sa laban na ito ay mananatili sa quarterfinal race.

Sumandig ang tropang Lady Eagles kay alumna Charo Soriano para mapataob ang last year’s champion na San Sebastian, defending titlist Adamson at newcomer UP para ibulsa ang tatlong sunod na panalo.

Nagpakawala ng back to back kills si Soriano para sa krusyal na laro ng Lady Eagles upang masiguro ang pwesto sa next round.

Subalit hindi umubra ang puwersa ng UST matapos pataubin ng OraCare noong Linggo, 22-25, 25-20, 25-15, 23-25, 14-16.   

Para sa Ateneo, naglista ang Thai import na si Sontaya Keawbundit ng 25 hits at produksyon ni Soriano ng 22 points ang tumapos ng laban.

Makaraang hindi makasali sa huling dalawang laro ng koponan, nag-ambag ng 16 hits si Michelle Carolino para sa Lady Tigress at 24 points kay Mary Jean Balse.

Inaasahang pamamahalaan ni Rachel Daquis at susuporta-han nila Cherry Vivas ang panalo para sa kampo ng Lady Tams hindi rin magpapahuli ang top spiker ng liga na si Irish Morada para dominahin ang laro. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ATENEO ORACARE

CHARO SORIANO

CHERRY VIVAS

IRISH MORADA

LADY EAGLES

LADY TAMARAWS

LADY TAMS

LADY TIGERS

LADY TIGRESS

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with