'Bata' nakaligtas kay 'Bubwit'
() - November 16, 2008 - 12:00am

BACOLOD CITY -- Bumangon si Efren ‘Bata’Reyes mula sa 0-4 deficit upang igupo ang teenage phenom na si Johann ‘Bubwit’ Chua, 11-6, at umusad sa quarterfinals ng First Senate President Manny Villar Cup Bacolod leg na ginaganap sa Garden Royal Function Hall ng Goldenfields Commercial Complex dito.

Muli namang nanalo si Cebu leg champion Gandy Valle kontra kay Lee Van Corteza matapos itakas ang 11-10 panalo at mangailangan na lamang ng tatlong panalo para maging unang two-time winner ng prestigious island-hopping series na ito na hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine sports.

Naitakda ni Reyes ang aabangang laban nito kontra kay former world champion Kunihiko Takahashi na komopo naman ng kanyang ikalawang panalo laban sa local bet na si Eduardo Villanueva, 11-5 tulad ng iskor sa kanyang panalo kay Russian Petiza sa opener.

Naisaayos ni Valle ang kanyang quarterfinals match laban sa veteran internationalist na si Rodolfo Luat, na namayagpag naman laban sa former double world champion na si Ronnie Alcano, 11-6 sa kanilang Last 16 encounter.

Sa iba pang quarterfinals matches, nakatakdang magsagupa sina Bulacan leg titlist Ramil Gallego at Joven Bustamante gayundin sina Michael Feliciano kontra sa kanyang qualifier na si Ronnie Aying.

EDUARDO VILLANUEVA FIRST SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR CUP BACOLOD GANDY VALLE GARDEN ROYAL FUNCTION HALL GOLDENFIELDS COMMERCIAL COMPLEX JOVEN BUSTAMANTE KUNIHIKO TAKAHASHI LEE VAN CORTEZA MICHAEL FELICIANO RAMIL GALLEGO REYES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with