Puwesto sa Final Four pag-aagawan na
() - August 27, 2008 - 12:00am

Tangka ng Letran College na makisalo sa liderato upang makalapit sa Final Four ng 84th NCAA men’s basketball tournament na magpapatuloy ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Haharapin ng Letran ang University of Perpetual Help Dalta System sa pambungad na laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng pakikipagsagupa ng naghahabol na Mapua Institute of Technology sa sibak nang Philippine Christian University sa alas-4:00.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Letran Knights na may 7-3 kartada sa likod ng defending champion San Beda College at Jose Rizal University na magkasalo sa liderato sa magkatulad na 8-3 kartada habang nasa ikaapat na puwesto naman ang San Sebastian College Recoletos na may 7-4 record.

Sisikapin naman ng MIT Cardinals na bigyang buhay ang kanilang tsansa sa Final Four.

Hawak ng Mapua ang 5-5 kartada sa ikalimang puwesto habang wala namang pag-asa ang PCU Dolphins sa susunod na round bunga ng mababang 3-8 win-loss slate.

Sisikapin ng Knights na makabangon sa 73-76 pagkatalo sa Heavy Bombers noong Miyerkules, at galing din sa masaklap na pagkatalo ang Altas laban sa PCU.

Mangunguna sa Letran sina RJ Jazul, Dino Daa, Rey Guevarra, Kojack Melegrito at John Foronda.

Bagamat sibak na sa kontensiyon, may dala pa ring panganib ang Perpetual na babanderahan naman nina Mike Kong, Rob Reyes, Raffy Ynion, Romel Balboa at Franz Dysam. (M Balbuena)

CUNETA ASTRODOME DINO DAA FINAL FOUR FRANZ DYSAM LETRAN PLACENAME
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with