^

PSN Palaro

Harbour Centre sa finals na!

-

Handa na si Jason Castro na mag-iwan ng ‘magandang alaala’ sa Harbour Centre.

Kumayod ang 5-foot-10 na si Castro ng game-high 25 puntos, kasama na ang isang krusyal na three-point shot sa huling 1:08 ng final canto, upang tulungan ang Batang Pier sa 73-69 paggiba sa San Mig Coffee Kings sa Game 3 at walisin ang kanilang semifinals series sa 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup kahapon sa Muntinlupa Sports Complex.

Pumasok ang Harbour Centre, sinibak ang San Mig sa 3-0 sa kanilang best-of-five semis wars, ni team owner Dr. Mikee Romero sa kanilang pang limang dikit na finals stint pakay ang ikalimang sunod na korona.

“Gusto ko talagang makapagbigay muna ng championship sa Harbour (Centre) bago man lang ako umalis,” sambit ng 22-anyos na si Castro, kinuha nang Singapore Slingers para sa darating na 2008-2009 season ng Australian National Basketball League (ANBL).

Sa inisyal na laro, sumandal ang Burger King sa krusyal na 3-pointer ni Chris Baluyot sa huling 45 segundo upang talunin ang Hapee Toothpaste, 70-69, at idikit sa 1-2 ang kanilang serye.

Isang split ni Abby Santos sa nalalabing 4.6 tikada ang nagbigay sa Burger King ng 70-66 abante kasunod ang buzzer-beating 3-pointer ni Reed Juntilla para sa huling iskor ng Hapee, asam ang kanilang ika-2 sunod na finals appearance. (RCadayona)

vuukle comment

ABBY SANTOS

AUSTRALIAN NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

BATANG PIER

BURGER KING

CHRIS BALUYOT

DR. MIKEE ROMERO

HAPEE TOOTHPASTE

HARBOUR CENTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with