Makatulong sana si Chot sa Talk N Text
SPORTS - Dina Marie Villena () - January 29, 2008 - 12:00am

May bagong coach na pala ang Talk N Text.

And it’s Chot Reyes for Phone Pals.

Naku saan na kaya napunta si coach Derek Pumaren?

O well, sana isang maganda at tamang decision para sa Phone Pals ang kanilang ginawa at sana makabangon na sila.

* * *

Maraming nagsasabi na hindi lang coaching ang may problema sa Talk N Text.

Hindi ko alam kung anong ibig tukuyin ng marami pero hindi lang daw coach o players ang may problema sa Talk N Text may iba pa daw taong concern.

Sino kaya yun?

* * *

Naniniwala ba kayo sa mga himala?

Bakit naman napasok sa kolum na dapat sports ang pinaguusapan ang himala?

Kakambal ng himala para sa akin ang faith natin sa Panginoon.

Siyempre kung nananalig ka sa Kanya naniniwala kang may himala.

At yun ang nararamdaman ko.

Dati na akong umaattend ng healing mass ni Father Fernando Suarez, ni Father Joey Faller at maging sa mass ni Father Dale Barreto Ko at kay Padre Pio.

Siyempre may request ako ang aking paggaling.

Just recently, naging nationwide ang pagkakatelevise  sa ‘milagro’  na nagaganap sa healing mass ni Fr. Suarez.

Isa si Dr. Cris Rivera sa nakatanggap ng milagrong ito.  Si Mang Cris ay dating reporter namin dito.

Last year na-stroke siya at hindi na nakakalakad.

Actually nagkita kami sa bahay ng kanyang anak na si Rey sa Canlubang at nakita ko na hindi na talaga siya nakakatayo.

Umattend ng healing mass ni Fr. Suarez sa Antipolo si Mang Cris kasama ang kanyang maybahay na si Aling Nene.

At iyak nang iyak ang asawa kasabay ng palak-pakan ng marami nang lumabas si Manong Cris na siya na ang nagtutulak ng kanyang wheelchair.

Nangilabot ako habang sinasabi sa akin ang pangyayari pero, kasi malakas ang faith ni Manong Cris kay LORD kaya naman nangyari ang himalang yun.

Ngayon naglalakad na si Mang Cris kaya lalong umigting ang kanyang faith sa ating Panginoon.

If it’s God’s wiill, ako rin alam kong gagaling ako.

In fact alam ko magaling na ako dahil naniniwala akong pinagaling na Niya ako.

ALING NENE CHOT REYES MANG CRIS MANONG CRIS PHONE PALS TALK N TEXT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with