^

PSN Palaro

Williams pinayagan ng SLR

- Mae Balbuena -

ANTI-POLO City --Binigyan na ng Sta. Lucia ng go-signal ang kani-lang Fil-Am player na si Kelly Williams na lumaro sa San Miguel-Pilipinas team ni coach Chot Reyes na sasabak sa dalawang malalaking torneo bilang paghahanda sa FIBA-Asia Men’s Championships.

Gayunpaman, maka-kasama pa rin ng Realtors si Williams sa kanilang kampanya sa kasalu-kuyang Talk N Text PBA Fiesta Conference, dahil na rin sa kondisyon ng PBA na hindi nila maa-aring galawin ang Realtors para sa kanilang tsansang makasulong sa susunod na round.

Kasalukuyang nakiki-paglaban ang Sta. Lucia sa Alaska habang sinu-sulat ang balitang ito ngunit wala na silang dapat alalahanin dahil nakakasiguro na sila sa wild card phase matapos sibakin sa kontensyon ng Purefoods ang nagha-habol na Welcoat sa pamamagitan ng 109-97 tagumpay.

Nagbida sa panalong ito si James Yap na nagposte ng bagong career-high na 41-puntos, 28 nito sa second half, upang isulong ang TJ Giants sa ikaanim na panalo sa kabuuang 18-laro.

Naglaho ang 10-6 kalamangan ng Welcoat nang magsimulang mag-init si Yap sa pagbibida sa 19-4 atake para sa 25-14 kalamangan sa pag-tatapos ng unang quarter na kanilang pinalobo sa pinakamalaking kalama-ngan na 67-40 sa ikatlong quarter.

Naglunsad ng mala-king oposisyon ang Wel-coat sa ikaapat na quarter ngunit tinapatan ito ni Yap sa pagkamada ng 17-puntos katulong si Jun Simon na nagposte ng 12 sa kanyang tinapos na 16 sa likod ng 23 ni import Marquin  Chandler upang ipalasap sa Welcoat ang ika-14 talo sa kabuuang 18-laro para tuluyan nang mapaaga ang bakasyon.

Purefoods 109 – J. Yap 41, Chandler 23, Simon 16, Castillo 10, R. Yap 8, Evangelista 8, Yee 2, Adducul 1, Pingris 0.

Welcoat 97 – White 29, Compton 19, Wainwright 16, Cabatu 13, Baguion 7, Gelig 5, Reyes 4, Lopez 2, Sta. Maria 2, Lao 0.

Quarterscores: 24-14; 48-31; 75-57; 109-97.

vuukle comment

ASIA MEN

CHOT REYES

FIESTA CONFERENCE

JAMES YAP

JUN SIMON

KELLY WILLIAMS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with