^

PSN Palaro

Discovering Indonesia’s version of lifelong learning for sustainable development - A POINT OF AWARENESS By Preciosa S. Soliven<

-

Anim na koponan sa pamumuno ng three-time champion La Salle ang magpapakitang-gilas sa inaasahang dudumugin na Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan City.

Bagamat nawalan ng dalawang pangunahing key players ang La Salle na kakampanya sa kani-lang ikaapat na sunod na kampeonato, nananati-ling malakas at team-to-beat pa rin ang Lady Archers sa torneong tatam-pukan ng walong pangu-nahing collegiate squad sa bansa.

Sisimulan ng Taft-based team ang kanilang kampanya kontra sa Far Eastern University sa alas-2 ng hapon na laban sa triple bill na nakatakda na tatampukan din ng sagupaan ng San Se-bastian College at Letran sa alas-9 ng umaga at Ateneo kontra naman sa Lyceum sa alas-11 ng umaga. Kukumpleto sa cast ng 8-team cast ang University of Santo Tomas at Adamson University.

Panauhin sa opening ceremony na hatid ng Shakey’s Pizza,  si San Juan City mayor JV Ejercito sa ganap na ala-una ng hapon kung saan makakasama niya si Shakey’s president at CEO Leo Prieto Jr., na siyang magsasagawa ng ceremonial toss habang idedeklara naman ni Shakey’s general manager Vic Gregorio ang pagbubukas ng laro.

Tampok din sa opening ang pagbibigay para-ngal sa yumaong  Sports Vision president na si Emilio “Jun” Bernardino, ang dating PBA commissioner na gumawa ng paraan para muling maibalik ang volleyball sa bansa.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

LADY ARCHERS

LEO PRIETO JR.

SAN JUAN CITY

SAN SE

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with