^

PSN Palaro

Magandang panimula, susundan ng Dazz at Cebuana Lhuillier

-
Sundan ang magandang simula ang pakay ng Dazz ‘Sang Patak at Cebuana Lhuillier sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa pag-usad ng 2007 PBL Unity Cup na dadako sa The Arena sa San Juan para sa triplebill ngayon.

Pambungad na laban ang sagupaan ng Moneymen sa Henkel-Sista sa alas-12:00 ng tanghali na susundan ng laban ng pakikipagsagupa ng Kitchen Specialists sa defending champion Harbour Centre sa alas-2:00 ng hapon.

Masama ang simula ng Batang Pier sa kanilang kampanya para sa ikatlong sunod na titulo matapos ang 77-81 pagkatalo sa Burger King na siyang nasa liderato ngayon taglay ang malinis na 2-0 record.

Nakabuntot ang Cebuana at Dazz na may 1-0 record habang pare-parehong 0-1 ang Moneymen, Harbour Centre, Toyota Balintawak, San Miguel-Magnolia at Henkel-Sista.

Sa ikatlong laro, hangad naman ng Beverage Masters at ng Road Kings na makabawi sa kani-kanilang pagkatalo at makapasok sa win column. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BATANG PIER

BEVERAGE MASTERS

BURGER KING

CEBUANA LHUILLIER

DAZZ

HARBOUR CENTRE

HENKEL-SISTA

KITCHEN SPECIALISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with