Babawi ang Hapee-PCU
January 11, 2007 | 12:00am
Isang masinsinang pag-uusap ang ginawa ni head coach Jun Noel sa kanyang mga Teeth-masters matapos matik-man ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan.
"I've talked to my players and hopefully, we can break our slump. We just have to play solid defensively because we tend to relax in the end that's why we lost our last three games," ani Noel sa Hapee-PCU.
Sumasakay sa isang three-game losing skid, haharapin ng Teeth-masters ang bagitong Kettle Korn-UST Pop Kings ngayong alas-2 ng hapon bago ang bang-gaan ng Cebuana Lhuillier Moneymen at Magnolia Spinners sa alas-4 sa eliminasyon ng 2007 PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Gym sa Taft Avenue.
Sa kabila ng tatlong dikit na kamalasan, may tsansa pa rin ang Hapee-PCU, nagposte ng ma-taas na 5-0 baraha bago bumulusok sa huli nilang tatlong laro, na makakuha ng isang playoff seat para sa isa sa dalawang outright semifinal ticket.
Hawak ng bagu-hang Mail & More Comets ang liderato sa bisa ng kanilang 7-2 kartada kasunod ang Sista Super Sealers (6-3), Teeth-masters (5-3), Toyota Otis Sparks (5-3), Harbour Centre Port Masters (5-3), TeleTech Titans (4-4), Moneymen (3-5), Spin-ners (2-6) at Pop Kings (0-8).
Nagmula ang Hapee-PCU sa 67-75 pagkatalo sa Harbour Centre noong Sabado sa Olivarez Sports Center, samanta-lang nanggaling naman ang Kettle Korn-UST sa 63-84 kabiguan sa Mail & More.
Base sa format, ang top two teams matapos ang eliminasyon ang siyang magbubulsa sa dalawang automatic semifinal slot, habang ang No. 3 at No. 4 squad ang kukuha ng 'twice-to-beat' advantage laban sa No. 6 at No. 5.
Ang mga koponang uupo sa No. 5, 6 at 7 ay sasailalim sa isang knock-out phase at ang No. 8 at No. 9 teams ang mauu-nang magtulakan kung saan ang mananalo ang sasagupa sa No. 5. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended