^

PSN Palaro

Semis puntirya nina Castro at Tipon

-
DOHA -- Aakyat muli sa entablado sina Godfrey Castro at Joan Tipon sa kanilang pagtatangkang makapasok sa semifinals upang mabigyan ng buhay ang kampanya ng bansa dito sa 15th Asian Games.

Makikipagsuntukan ang 21 anyos na si Castro, pumalit sa sinuspinding si Harry Tanamor, kay Al Amhry Ali Saad ng Saudi Arabia sa kanilang lightfly-weight bout na magsisimula sa alas-2 ng hapon (alas-7 sa Manila).

Kapag nagwagi si Castro sa kanyang Arabong kalaban, uusad ito sa semis ngunit mas mabigat na kalaban ang kanyang masasagupa sa katauhan ni Thai boxer Pannon Suban, na nakatakdang makipaglaban naman sa Iraqi boxer na si Ali Najah.

Sa kabilang dako, makikipagtipan naman si Tipon sa North Korean boxer na si Kim Won Guk sa kanilang bantamweight bout.

Kung magtatagumpay si Tipon, makakaharap niya ang magwawagi sa pagitan nina Adel Chakeri ng Qatar at Petchkoom Worapoj ng Thailand.

Limang boksingerong Pinoy na lamang ang natira sa 7-man na kasali makaraang mabigo sina Delfin Boholst at Francis Joven sa kanilang naunang laban. (DMV)

vuukle comment

ADEL CHAKERI

AL AMHRY ALI SAAD

ALI NAJAH

ASIAN GAMES

DELFIN BOHOLST

FRANCIS JOVEN

GODFREY CASTRO

HARRY TANAMOR

JOAN TIPON

KIM WON GUK

NORTH KOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with