Philippine Boxing Academy, giit ni Lapid
October 6, 2006 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Sen. Lito Lapid ang isang panu-kalang batas para magka-roon ng Philippine Boxing Academy (PHILBACA) upang lalong mahasa ang ating mga susunod sa yapak ni Manny "Pacman" Pacquiao.
"Naniniwala ako na napakalaki ng magagawa pa ng mga boksingero natin sa buong mundo kung kayat ito ang dapat nating pagtuunan ng pansin," wika pa ni Sen. Lapid, chairman ng se-nate committee on games, amusements and sports.
Sinabi pa ni Lapid, nakapaloob sa kanyang panukala ang pagtatayo ng separate body na siyang magpapatupad ng mga aktibidad para sa boksing hanggang sa grassroot level upang lalong mahasa ang ating mga kabataang mahilig sa boksing.
"Marami pang kaba-taan ang mahahasa sa sports na ito kung kayat ang gobyerno ay dapat lamang na pagtuunan ng pansin at suporta ito," wika pa ng mambabatas.
Aniya, dadami pa ang magiging boxing champ na susunod sa yapak nina Pacquiao, Pancho Villa, Flash Elorde, Rolando Navarrete, Rolando Peña-losa, Roel Velasco at On-yok Velasco kung magka-karoon tayo ng Philippine Boxing Academy na lalong hahasa sa kanilang galing sa sports na ito.
"Dito ay nakakasiguro tayo na patuloy na titinga-lain ng mundo ang mga boksingerong Filipino lalo na kapag nahasa natin ng husto ang ating mga boksingero," dagdag pa ni Lapid. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended