^

PSN Palaro

Pagulayan, SEAG gold medalist babandera sa National pool tourney

-
Pangungunahan ni 2004 World Champion Alex ‘The Lion’ Pagulayan at apat pang Southeast Asian Games gold medalists ang 64-man field sa 2006 BSCP National Pool Championships na nakatakdang magsimula bukas sa Ninoy Aquino Stadium.

Dumating si Pagulayan, nanaki ng tatlong gold medals sa nakaraang SEA Games noong Biyernes. Sinabi ni Pagulayan sa mga organizers na nais niyang maglaro para sa national title at nakapagrehistro na ito at nagbayad na ng entry fee sa NPC.

Makakasama ni Pagulayan sa naturang torneo ang apat pang Southeast Asian Games gold medalists na sina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Leonardo Andam at Antonio Gabica.

Umaasa ang Billiards and Snooker Congress of the Philippines sa apat na RP cue artists na magbibigay ng karangalan para sa bansa matapos di sumali ang mga top billiards player ng bansa na sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante.

Kinukumpleto pa ang 64-man field habang sinusulat ang balitang ito dahil kasalukuyan pang pinaglalabanan ng 47-players ang final 12-slot sa Star Billiard Center. Nagsimula ang round-robin qualifying ng kahapon ng hapon na may apat na rounds.

Si Pagulayan, 2005 US Open champion ang No. 1 seed sa national championships habang si Orcollo ang second pick.

Ang dalawang ito kasama sina Korean Open champion Renato Alcano, Corteza at Gabica, ang kinokonsiderang bagong henerasyon ng Filipino pool players.

Inaasahang magbibigay naman ng mahigpit na hamon sina Jose ‘Amang’ Parica, 2005 US Open runner-up at Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat na nanalo kamakailan lamang sa Kaohshiung leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour.

Seeded din sina Ramil ‘Bebeng’ Gallego, SMC tour Bangkok leg winner, at Mario Tolentino, third placer sa 2005 Philippine Open.

vuukle comment

ANTONIO GABICA

BALL TOUR

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BOY SAMSON

DENNIS ORCOLLO

KOREAN OPEN

LEE VAN CORTEZA

LEONARDO ANDAM

PAGULAYAN

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with