^

PSN Palaro

Karanasan at kaalaman ang uwi ng Nationals

-
DOHA, Qatar – Wala mang iuuwing titulo ang SMC-Pilipinas sa kanilang pagbalik sa Pilipinas, puno naman ng karanasan at kaalaman sa international basketball ang kanilang maipagmamalaki.

Ang Pinoy na naglaro ng kanilang ikalimang laban sa gayundin karaming araw ay naging maganda ang panimula ngunit kumulapso din sa huli upang tuluyang ibigay sa Qatar ang ikatlong puwesto makaraan ang 79-68 pagkatalo sa pagtatapos ng Al-Emadi International Basketball Championship sa Al-Gharafa Sports Club Hall dito.

Nakuha naman ng African champion Angola ang titulo matapos payukurin ang Latvia.

Mula sa 20-20 standoff sa pagtatapos ng first period, nag-init sina Ateneo teammates Larry Fonacier at LA Tenorio na tinampukan din ng four-point play ni Mick Pennisi at itala ang 38-26 bago tapusin ang halftime pabor pa rin sa National, 45-35.

Ngunit pagpasok ng second half, wala nang nagawa ang mga Pinoy nang magsimulang kumamada ang Qataris sa pangunguna ni Ali Saeed na sunud-sunod na tres ang pinakawalan na naging daan para maagaw ng Qatar ang trangko 58-55.

Susunod na pagsubok ng Nationals ay ang two-game goodwill series kontra sa Asian powerhouse Lebanon sa Manila sa Agosto 13 at 16 at ang title defense sa Sultan’s Cup sa Brunei sa August 19 hanggang 27.

vuukle comment

AGOSTO

AL-EMADI INTERNATIONAL BASKETBALL CHAMPIONSHIP

AL-GHARAFA SPORTS CLUB HALL

ALI SAEED

ANG PINOY

ATENEO

BRUNEI

LARRY FONACIER

MICK PENNISI

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with