^

PSN Palaro

2nd win asam ng Mapua at San Beda

-
Sisikapin ng Mapua Institute of Technology at San Beda College na masundan ang kanilang magandang simula sa National Collegiate Athletics Association (NCAA) seniors basketball tournament sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban habang nais namang makabawi ng last year runner-up na Philippine Christian University sa kanilang masamang performance sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Ninoy Aquino Stadium.

Unang isasalang ang MIT Cardinals laban sa San Sebastian College-Recoletos sa unang seniors game sa alas-2:00 ng hapon habang isasalang naman ang SBC Red Lions kontra sa PCU Dolphins sa alas-4:00 ng hapon.

Hangad naman ng SBC Red Lions na masundan ang kanilang buwenamanong panalo laban sa Jose Rizal University sa pangunguna ng rookie Nigerian na si Sam Ekwe na may malaking papel sa kanilang nakaraang tagumpay.

Magsasagupa naman ang Red Cubs at Baby Dolphins sa alas-6:00 ng gabi sa kaisa-isang juniors game.

Magpapatuloy naman ang aksiyon sa volleyball competition kung saan maghaharap ang host College of Saint Benilde at Letran sa men’s at women’s divisions sa alas-8:00 ng umaga. (CVOchoa)

vuukle comment

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF SAINT BENILDE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED CUBS

RED LIONS

SAM EKWE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with