^

PSN Palaro

Pinoy shuttlers maganda ang panimula

- Carmela Ochoa -
Binigyan ni Kennevic Asuncion ng ipagma-malaki ang mga local fans nang magtala ito ng magaang panalo laban kay Lo Ion Wong ng Macau, 21-6, 21-13 habang dalawa pang Pinoy ang nagtala ng panalo sa unang round ng first $120,000 Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Champion-ships na hatid ng PLDT Business Solutions sa PhilSports Arena.

Nakausad din sa susu-nod na round ang mga teenagers na sina Karyn Velez at Irene Chiu na pareho ding naging ma-gaan ang panalo sa five day Four-star tournament na ito na nilahukan ng mahuhusay na shuttlers sa buong mundo.

Tinalo ni Velez, ang pinakabatang Pinoy cam-paigner seeded na 16, si Lao I Man ng Macau 21-12, 21-9, habang iginupo naman ng 21-year-old legal management gra-duate ng Ateneo de Manila na si Chiu, si Pun Si Pui ng Macau, 21-5, 21-4.

Gayunpaman, pare-hong mabigat ang kala-ban ng dalawang teener sa susunod na round dahil makakaharap ni Velez ang fourth seed na si Anu Nieminen ng Finland na nagtala ng 19-21, 21-17, 21-3 panalo kay Eva Lee ng United States, habang ang top seed at World No. 4 Xu Huaiwen ng Ger-many naman ang susu-nod na sasagupain ni Chiu sa event na ito na sponsored ng Bingo Bonanza at JVC (PHILS.).

Tatlo pang Pinoy ang lumaban kahapon ngunit hindi sila pinalad na manalo.

Yumukod si Owen Lopez sa kanyang South-east Asian Games rival na si Nguyen Quangh Minh ng Vietnam, 8-21, 4-21; nabigo si Rodel Bartolome sa kanyang tangkang upset nang hindi nito nasustinihan ang oposis-yon laban kay Anup Sridhar ng India, 21-11, 8-21, 20-22; habang natalo naman si Wilson Frias kay Lee Tsuen Seng ng Malaysia, 2-21, 5-21.

vuukle comment

ANU NIEMINEN

ANUP SRIDHAR

ASIAN GAMES

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPION

BUSINESS SOLUTIONS

CHIU

EVA LEE

MACAU

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with