^

PSN Palaro

Ginebra binanderahan ng ‘Bandana Bros.’

- Carmela Ochoa -
Balik naman sa pana-nalasa ang ‘bandana brothers.

Nagsanib ng puwersa sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand upang ibangon ang defending champion Barangay Ginebra na kanilang isinu-long sa 101-84 pananala-sa laban sa Sta. Lucia Realty sa pagbisita ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Holy Cross of Davao College sa Davao City kahapon.

Nagtala si Helterbrand ng 28 puntos na sinundan ng 27 ni Caguioa upang makabawi ang Gin Kings mula sa tatlong sunod na kabiguan at pagandahin ang kanilang record sa 5-6 win-loss slate.

Naduplika ng Ginebra ang 98-83 pamamayani sa kanilang unang pagki-kita noong Marso 12 ma-tapos ipalasap sa Realtors ang ikasiyam na talo sa 12 pakikipaglaban na lalong nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon.

Sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coli-seum, ikaapat na sunod na panalo ang puntirya ng Red Bull sa pakikipag-harap sa Talk N Text na nais namang makaba-ngon mula sa dalawang sunod na kabiguan.

Pambungad na laro ang sagupaan ng Bulls at Phone Pals sa alas-4:10 ng hapon at isusunod naman ang sagupaan ng Coca-Cola at Alaska sa dakong alas-6:35 ng gabi.

Hangad ng Tigers na makabangon mula sa tatlong dikit na pagkatalo  upang mapatatag ang kanilang kapit sa ikatlong posisyon taglay ang 6-5 win-loss slate sa likod ng San Miguel Beer at Purefoods Chunkee na magkasalo sa liderato Taglay ang 9-3 kartada.

Nasa ikaapat na puwesto Ang Red Bull na may 6-6 win-loss slate kasunod ang Phone Pals na may 5-6 karta katabla ang Aces na hangad namang maka-back-to-back win.

vuukle comment

ANG RED BULL

ARANETA COLI

BARANGAY GINEBRA

DAVAO CITY

GIN KINGS

GRAN MATADOR BRANDY

HOLY CROSS OF DAVAO COLLEGE

JAYJAY HELTERBRAND

LUCIA REALTY

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with