^

PSN Palaro

Cruz, Valenzuela, pinagpapaliwanag ng PBA

-
Ipinatawag sina Celino Cruz at Junthy Valenzuela ng Red Bull, ang Purefoods trainer na si Patrick Esmundo at si Nick Belasco ng Alaska dahil sa kanilang hindi magandang inasal sa kani-kanilang mga laro.

Nakatakdang magpaliwanag ang apat na ipinatawag ni PBA technical chief Perry Martinez sa Commissioners office upang magpaliwanag sa kanilang inasal.

Nasangkot sina Cruz at Vaenzuela gayundin si Esmundo sa komosyong nangyari sa laban ng Red Bull at Purefoods noong Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Ayon sa mga nakasaksi, may masamang sinabi laban sa Bulls sa pagtatapos ng laro kaya kinumpronta ito ni Valenzuela na siyang pinagmulan ng away.

Binigyan naman ni Cruz si Eugene Tejada ng hard foul, ilang segundo bago matapos ang larong pinagwagian ng Giants.

Inaasahang mapaparusahan din si Belasco matapos nitong batuhin ng bola si Mark Caguioa sa pagtatapos ng kanilang laro.

"We want to know what happened that’s why we want to hear both sides," ani Martinez. (CVOchoa)

CELINO CRUZ

CRUZ

CUNETA ASTRODOME

EUGENE TEJADA

JUNTHY VALENZUELA

MARK CAGUIOA

NICK BELASCO

PATRICK ESMUNDO

PERRY MARTINEZ

PUREFOODS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with