^

PSN Palaro

World’s No. 2 shuttler paparada sa RP Open

-
Ipaparada ng Malaysia ang kanilang matikas na roster na kinabibilangan ng World’s No. 2 sa men’s single at reigning SEA Games women’s double champion sa kanilang pagsabak sa first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na ipiniprisinta ng PLDT Business Solutions sa Marso 1-5 sa PhilSports Arena.

At dahil sa pag-atras ng World No. 1 na si Lin Dan ng China sa susunod na linggong blue-ribbon event bilang pagahahanda sa kanyang paglahok sa mabigat na China Masters, si Lee Chiong Wei ang siyang magiging top-ranked player sa $120,000 tournament bagamat siya ay mapapasabak rin sa mga kapwa niya matitikas na player na gaya nina reigning world Olympic champion Taufik Hidayat at iba pa na maglalaban-laban para sa top plum na nagkakahalaga ng $9,600 sa men’s singles.

Si Lee na semifinalist sa World Championships, sa 7-star tournament noong nakaraang taon ay galing sa malaking panalo noong nakarang buwan sa Swiss Open, isang linggo matapos na makarating sa semis ng All England Open.

Magtatangka rin sina Chin Eei Hui at Wong Pei na makabalik sa eksena sa kanilang SEA Games triumph sa women’s doubles kung saan pangungunahan ng World No. 4 pair ang cast ng kanilang koponan sa event na ito na isang four-star tournament at sanctioned ng IBF at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart.

Sa katunayan, ipadadala ng Malaysia ang kanilang pinakamalaking contingents sa limang araw na tournament na inorganisa ng IMG, na may 14 na manlalaro sa men’s singles, lima sa women’s singles, pitong pares sa men’s doubles, apat na teams sa women’s doubles at tatlo sa mixed doubles.

Umabot na sa 15 bansa ang nagkumpirma ng paglahok na kinabibilangan ng Finland, Austria, Vietnam, Netherlands, Hong Kong, Japan, United States, Singapore, Thailand, Indonesia, India, Malaysia, South Korea at Taiwan kung saan ang host country ay kakatawanin nina Kennie at Kennevic Asuncion at Paola Obanaña.

vuukle comment

ALL ENGLAND OPEN

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

BUSINESS SOLUTIONS

CHIN EEI HUI

CHINA MASTERS

HONG KONG

KENNEVIC ASUNCION

LEE CHIONG WEI

LIN DAN

WORLD NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with