Panatilihin ang pangalan ng BAP Eala
February 2, 2006 | 12:00am
Hanggat maaari ay ayaw nang galawin ni PBA Commissioner Noli Eala ang pangalan ng Basketball Association of the Philippines (BAP).
Ayon kay Eala, iginagalang niya ang pagiging institusyon na ng BAP sa Philippine sports.
"It is a seventy-year old organization. It has a rich history and just by throwing it away is like throwing away what guys in the past have done. And we dont want to do that," sabi ni Eala.
Si Eala ang nagsisilbing facilitator para sa pagbubuo ng isang unified basketball federation na siyang sinasabing ipapalit sa BAP ni Joey Lina.
Nagtakda ng deadline ang FIBA, ang international basketball federation, ng hanggang Marso 31 ng 2006 para maresolba ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isyu sa local basketball kung saan nila sinibak ang BAP bilang miyembro.
Nauna nang inilapit ng POC ang binuong Philippine Basketball Federation (PBF) ni Moying Martelino bilang bagong cage body sa bansa. Ngunit ito ay ibinasura lamang ng FIBA kasabay ng patuloy na pagkilala sa BAP bilang lehitimong miyembro.
"There is always a marketing way of solving that while keeping the name of the BAP as a registered name. You can always have a brand name para it will really appear that its a new organization," solusyon ni Eala. "And this is being done all over the world." (R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended