Figueroa, panauhin sa PBL opening
() - October 26, 2005 - 12:00am
Panauhing pandangal si Jasmine Figueroa, ang archer mula sa Balut, Tondo na may magandang kuwento sa Athens Games, sa pagbubukas ng 2006 PBL Heroes Cup sa Sabado sa La Salle Greenhills gym.

Inaasahang bibigyang inspirsyon ng 20-gulang na si Figueroa ang mga players at umuusbong na atleta na sasabak sa season-opening tournament.

"The resolve she displayed in the Athens Olympics was awesome-inspiring and we hope that our players and other athletes for the coming SEA Games will work and play like Jasmine," ani PBL Commissioner Chino Trinidad.

Si Figueroa, awardee ng Sports International Olympic Committee (IOC) Trophy para sa Fair Play, ang babandera sa RP archery team sa kanilang kampanya sa SEA Games na nakatakda sa Nov. 27 hanggang Dec. 5.

Magsisimula ang openng ceremony sa ganap na ala-una ng hapon. Ang mga koponang kalahok sa ika-24th season ng PBL ay ang, Magnolia Dairy Ice Cream, Toyota Otis, Harbour Centre, Rain or Shine (dating Welcoat Paints), ang nagbabalik na Hapee-PCU, Montaña Pawnshop, Granny Goose Tortillos at guest team Far Eastern Insurance.

ATHENS GAMES ATHENS OLYMPICS COMMISSIONER CHINO TRINIDAD FAIR PLAY FAR EASTERN INSURANCE GRANNY GOOSE TORTILLOS HARBOUR CENTRE HEROES CUP JASMINE FIGUEROA LA SALLE GREENHILLS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with