^

PSN Palaro

SURVIVAL OF THE FITTEST

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Ngayong nakita na ng mga coaches ng siyam na PBA teams ang kakayahan ng mga nag-apply para sa 2005 Draft, isang linggong suspense na lamang ang bubunuin ng mga rookie hopefuls bago dumating ang tinatawag na D-Day.

Draft Day, he-he-he!

Pero siyempre marami sa kanila ang hindi na makakatulog nang maayos dahil sa iniisip nila kung naibigay nila ang lahat ng dapat na ibigay sa Rookie Camp na isinagawa kahapon. Na-impress ba nila ang mga dapat na ma-impress?

Kasi nga, para sa mga aplikante sa Draft, sumikip ang landas tungo sa PBA nang mag-disband ang Shell Velocity. Biruin mong imbes na ang mga rookies lamang ang mag-aagawan para sa slots sa PBA teams, pati ang mga naulila ng Shell ay makikiagaw dito.

Nakahanap na nga ng malilipatan ang walong dating Shell cagers. Kinuha ng Alaska Aces sina Rob Duat at Tony dela Cruz; napunta sa FedEx si Ronald Tubid; sa Coca-Cola si Billy Mamaril; sa Ginebra sina Kelani Ferreira at Ervin Sotto; sa San Miguel Beer si Christian Calaguio at sa Purefoods si Roger Yap.

Nabawasan ng kahit paano ang mga bukas na slots sa mga koponang nabanggit so iilang rookies na lamang ang kanilang kakailanganin. Baka hindi na nga kumuha ng mga baguhan ang mga teams na ito, e.

Sa tutoo lang, ang mga rookies na tiyak na mapapapirma ng kon-trata ay yung mapipili sa first round ng Draft na gaganapin sa Agosto 14 sa Sta. Lucia mall. Yung mga second rounders ay medyo nasa balag ng alanganin. At dahil hanggang second round lang ang drafting, halos walang pag-asa ang mga hindi mapipili.

Nakakaawa naman ang mga maiiwan.

Pero sadyang ganyan ang kalakaran sa PBA. Kumbaga sa kagubatan: "Survival of the Fittest!"

Kung sino ang pinakamahusay, iyon lang ang may karapatang makapaglaro sa PBA. Ang mga borderline cases ay kailangang mag-pahinog muna sa amateur ranks o kaya’y kalimutan na lamang ang pangarap na makapaglaro ng professional basketball.

May mga nakausap nga akong ahente ng players na ngayon ay nagdadalawang isip at gustong pigilan na lamang ang kanilang mga alaga sa paglahok sa Draft.

Pwede pa naman kasing bawiin ang application sa Draft bago sumapit ang D-Day.

Kaya naman nila gustong gawin ito ay upang maiwasan na bumaba ang market value ng kanilang mga players.

Oo’t magiging rookie free agents ang mga manlalarong hindi mapipili pero malabo na ring makuha sila kahit sa mga susunod na conferences. Isa pa, hindi na nila makukuha ang presyong gusto nila at tiyak na minimum na lamang ang ibibigay sa kanila.

Kung magba-back out sila at patuloy na maglalaro muna sa amateur ranks, baka sakaling gumaling pa sila nang husto at sa isang taon ay tumaas ang kanilang market value.

Magandang strategy ito kaysa naman sumuntok ka sa buwan!

vuukle comment

ALASKA ACES

BILLY MAMARIL

CHRISTIAN CALAGUIO

D-DAY

DRAFT DAY

ERVIN SOTTO

KELANI FERREIRA

PERO

ROB DUAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with