^

PSN Palaro

2nd Philippine 9-Ball Open sasargo sa Agosto 17

-
Matapos ang kani-kanilang maningning na performance sa huling torneong nilahukan, nabigyan ng karapatan sina Antonio Gabica at Dennis Orcullo na pangunahan ang mga qualifiers para sa 2nd Philippine 9-Ball Open na nakatakdang sumargo sa darating na Agosto 17-19 sa Ever Gotesco Commonwealth.

Matatandaan na pinasargo ni Gabica ang korona ng huling idaos ang nasabing tournament noong nakaraang taon kung saan kanyang ginapi si Orcullo. Ito ang nagbigay daan sa dalawa para kunin ang top spot.

Base sa format ng sagupaan, ang top players sa bawat yugto ang aakyat sa finals kasama ang iba pang walong top qualifiers noong nakaraang taon na sina Ronnie Alcano, Ramil Gallego, Warren Kiamco, Gandy Valle, Alladin Duloa at Roberto Dy.

At sa finals, makakasagupa na ng mga nabanggit ang mga World Pool champions na sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Busta-mante, Alex Pagulayan at Marlon Manalo sa Oktubre 19-23 sa Robinson’s Galleria.

"Through the qualifying phase mabibigyan natin ng pagkakataon na lumabas ang galing ng iba pa nating mga players," wika ni Puyat Sports president Aristeo ‘Putch’ Puyat. "Maipapakita rin natin na kaya nating tapatan man for man ang kahit na anong bansa pag-dating sa bilyar."

Ito ang torneo na sinalihan noon ni Manny Pacquiao na bumalik buhat sa tatlong pagsubok upang makasali sa main draw kung saan siya nabigo sa kamay ni Gandy Valle sa first round.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ALLADIN DULOA

ANTONIO GABICA

BALL OPEN

DENNIS ORCULLO

EVER GOTESCO COMMONWEALTH

GANDY VALLE

MARLON MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with