Bam, Giannis tinunaw Cavaliers sa balwarte

MIAMI — Nagkadena si Bam Adebayo ng 37 points at 14 rebounds, habang umiskor din si Giannis Antetokounmpo ng 37 markers sa 133-121 paggupo ng Heat sa Cleveland Cavaliers sa isang NBA Cup game.
Ito ang ikalawang pagkakataon na may dalawang players ang Miami (6-6) na kumamada ng 37 points sa isang laro matapos sina LeBron James at Dwyane Wade noong 2013.
Nagdagdag si Davion Mitchell ng 22 points at career-high-tying 17 assists at may 20 markers si Ryan Conwell para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Bumira si Donovan Mitchell ng 25 points para sa Cleveland (6-7) na nakahugot ng 22 markers kay Tyrese Proctor.
May 20 points si James Harden, habang nagdagdag ng 16 at 12 markers sina Jaylon Tyson at Meleek Thomas, ayon sa pagkakasunod.
Naglaro ang Heat na wala sina Klay Thompson (sprained ankle) at Pelle Larsson (illness) at hindi sumalang para sa Cavaliers si forward Evan Mobley (sprained left great toe).
Sa iba pang laro, hiniya ng San Antonio Spurs ang Golden State Warriors, 123-85; lusot ang Indiana Pacers sa New York Knicks, 106-104; wagi ang Orlando Magic sa Milwaukee Bucks, 107-99; tinalo ng Chicago Bulls ang Atlanta Hawks sa overtime, 125-117; giniba ng Memphis Grizzlies ang New Orleans Pelicans, 142-111; wagi ang Houston Rockets sa Utah Jazz, 125-118; at iginupo ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 120-107.
- Latest























