^

PSN Palaro

RP Blu Boys out na

-
CHRISTCHURCH, New Zealand -- Lumasap ang The Philippines ng 0-6 pagkatalo laban sa newcomer ngunit talented na Samoa squad na siyang hudyat ng kanilang pagkakatalsik sa kontensiyon sa XI Men’s World Softball Championship sa Smokefree Ballpark dito.

Nakalusot sa sudden death phase ang Blu Boys nang blangkuhin ng Australia ang Samoa, 8-0, sa limang innings at sa panalo ng South Africa laban sa Venezuela, 6-1 ngunit naging intensibo ang Samoans rode sa simula ng winner-take-all match upang dispatsahin ang mga Pinoy na di na-kapagpakita ng magandang porma tulad ng kanilang ginawa para talunin ang South Africans, 9-6, at Netherlands, 6-1.

Nagtapos ang Blu Boys na may 2-5 card, kahit may 12 players lang.

Umusad ang Samoa sa quarterfinals matapos magtala ng tatlong panalo at apat na talo habang ang walang talong New Zealand ang nanguna sa bracket na may anim na panalo bukod pa sa kanilang final game laban sa Canada na nakakuha naman ng second slot. Ikatlo ang Australia.

Ang United States, isa sa dalawang walang talong team, ang nanguna sa seven-team Pool B na may li-mang panalo kasunod ang Japan, Czech Republic at Argentina.

"Binigyan ng pagkakataon pumasok pero di ukol. They would put men on base and pulled off clutch hits at nawala naman ang opensa natin?" ani RP head coach Reynaldo Manzanares.

vuukle comment

ANG UNITED STATES

BLU BOYS

CZECH REPUBLIC

NEW ZEALAND

POOL B

REYNALDO MANZANARES

SMOKEFREE BALLPARK

SOUTH AFRICA

SOUTH AFRICANS

WORLD SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with