May sagabal na naman sa Palarong Pambansa
September 9, 2003 | 12:00am
Kung seguridad ang pag-uusapan, hindi na problema ito para hindi matuloy ang 2003 Palarong Pambansa sa Tubod, Lanao del Norte.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, muli na namang maipagpa-paliban ang pagdaraos ng nasabing multi-meet event na ito na itinakda sa darating na Oct.5-12 sa P500 milyon Mindanao Civic Center.
Isa sa magiging sagabal upang maipagpaliban na naman ang Palaro ay dahil nasabay ito sa meeting ng mga opisyales ng Department of Education (DepEd) sa Oct. 7-9 sa Baguio City kung saan ang naturang mga opisyales ang siyang mangangasiwa ng Palaro.
Bunga nito, nakatakdang makipag-usap si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain kina Lanao del Norte Gov. Imelda Quibranza Dimaporo, sa asawa niyang Congressman na si Abdullah Bobby Dimaporo at maging kay Mati, Davao Mayor Francisco Rabat ngayong linggo upang matalakay kung ano ang susunod na hakbang na kanilang gagawin.
"The province officials led by Gov. Dimaporo want full participation from the 15 regions in the country and show the rest of the nation that Tubod is the fittest place to hold the Games," wika kahapon ni provincial government spokesman Richel Umel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended