^

PSN Palaro

PATAS NA DESISYON

- Dina Marie Villena -
Umiinit ang kaso ng Air21 kay dating Tanduay player Bong Hawkins.

Pero malaki ang tiwala natin na mananaig ang patas na kapasyahan kapag nagbotohan na ang mga PBA Board of Governors.

Matagal na sanang nalunasan ang usaping ito noong nag-offer ng settlement ang Air21 kay Hawkins. Kung tinanggap niya ang settlement offer, marahil ay nakapagpatuloy na si Hawkins sa kanyang PBA career at eventually, ay makapag-serbisyo sa ibang koponan.

Napakaganda sanang scenario nito dahil magkakaroon pa siya ng chance na maipakita sa lahat na kaya pa niya ang laro sa PBA. Maipakikita din niya sa Express kung anong klaseng player ang inayawan nito. ‘Yun ay kung kaya pa nga niya.

Hindi natin maipaliwanag ngayon kung bakit nakakapit pa rin siya sa four-year contract na nilagdaan sa Tanduay, gayung ayaw na sa kanya ng Express team, na siyang nakapagmana ng kontrata niya.

Pero ang pinanghahawakan ni Hawkins ay ang desisyon ni Commissioner Noli Eala, na nagsasabing dapat bayaran ng Air21 si Hawkins sa nalalabi nitong dalawang taong kontrata.

Ang hindi gaanong natatalakay ay ang karapatan ng Express management kung bakit ayaw na nitong bayaran pa si Hawkins. Noong nilagdaan kasi ni Hawkins ang Uniform Players Contract sa Tanduay, ay mayroon din siyang Memorandum of Agreement na pinirmahan kung saan nakapaloob ang isang "exit clause" na nagsasabing maaring silang kumawala sa kontratang ito matapos ang dalawang taon.

Ang tanong ng marami ay bakit ayaw i-honor ni Hawkins ang MOA na pinakinabangan niya noong una? Ngayon hindi na ito bagay sa kanyang interes, ay gusto na niya itong ibasura.

Anyway, magiging patas ba ang board kung papanigan nito si Hawkins at uutusan ang Air21 na bayaran siya ng P9 milyon sa dalawang taon gayung hindi naman ito nagamit ni isang laro?

O kaya’y kakampihan nito ang Air21, at bibigyang proteksyon ang isa sa kanilang kauri?

Abangan.

vuukle comment

BOARD OF GOVERNORS

BONG HAWKINS

COMMISSIONER NOLI EALA

HAWKINS

KUNG

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NIYA

PERO

TANDUAY

UNIFORM PLAYERS CONTRACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with