^

PSN Palaro

Bowling National head coach may ibubuga pa sa laro

-
Pinatunayan ni Purvis Granger, head coach ng RP bowling team, na may ibubuga pa ito bilang competitor nang pangunahan nito ang top 16 bowlers sa rehiyon na maglalaro sa ‘Road To Singapore’ Grand Slam Finals ng Aviva Asian Bowling Tour.

Binanderahan ni Granger, kasama ng RP Team sa Busan Asian Games, sa kanyang inaning 167.5 puntos habang ang dating world champion na si Ton Hahl ng Singapore ay pumangalawa sa kanyang 156 puntos.

Pumangatlo si Chester King ng Philippines matapos manalo sa huling leg ng Tour na ginanap sa Hongkong’s Mei Foo Super Fun Bowl noong nakaraang buwan.

Kasama sa men’s team si Paeng Nepomuceno na kasalukuyang nasa ikasiyam na puwesto.

Sa women’s division, nakasama sina Irene Benitez at Liza del Rosario sa top 16 matapos pumuwesto sa ikaanim at ikapito para sa limang qualified player ng Philippines.

Ang Singapore ay may limang player din na nag-qualify habang ang Malaysia ang pinakamarami na may 10 player na pumasok.

Kasunod ng HongKong leg, ang top 16 bowlers sa Road to Singapore ranking ay makakalaro sa Grand Slam Finals sa Singapore sa January 2003 kung saan may dalawang wild cards ang ibibigay sa dalawang West Asian men bowlers.

vuukle comment

ANG SINGAPORE

AVIVA ASIAN BOWLING TOUR

BUSAN ASIAN GAMES

CHESTER KING

GRAND SLAM FINALS

IRENE BENITEZ

MEI FOO SUPER FUN BOWL

PAENG NEPOMUCENO

PURVIS GRANGER

ROAD TO SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with