^

PSN Palaro

Milo Marathon dadalawa sa Kidapawan City

-
Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng qualifying run sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley sa Northern Luzon, dadayuin naman ng 26th Milo Marathon ang Kidapawan City sa North Cotabato sa Mindanao para sa kanilang regional qualifying run sa Linggo, Set-yembre 15.

Ito ang ikalawa sa tatlong regional elimination races sa Mindanao na ang una ay sa Davao City noong nakaraang Hulyo at ang isa ay sa October sa Cagayan de Oro kung saan ang naturang event ay magkakaroon ng tsansa na maipakita ang mga natural attractions sa bansa.

Nangunguna sa listahan ang magandang Mawig Falls na matatagpuan sa paanan ng Mt. Apo sa Barangay Balabag sa Kidapawan.

Umaasa si local race organizer Vic Sai, president ng Davao City Sports Council na aabot sa 4,000 ang mga lalahok sa regional race na magsisimula at magwawakas sa harapan ng Kidapawan City Hall. Si Mel Baquiano, Nestle Phils., Area Sales Manager ang siyang magpapaputok ng starting gun, habang aasahan naman ni Mayor Luis Malaluan ang paglahok ng mga movie at TV celebrities na sina Jake Roxas at Sarah Christopher upang mag-award ng mga premyo sa top finishers. Lalahok din sina Christopher at Roxas sa 5K fun run.

Kabilang sa mga kalahok na paaralan at colleges sa rehiyon ay ang Kidapawan National High School, Notre Dame College of Kidapawan, Central Mindanao Colleges, AMAS National High School at Kida-pawan Elementary School sa inter-school team running competition at cheering contest.

AREA SALES MANAGER

BARANGAY BALABAG

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL MINDANAO COLLEGES

DAVAO CITY

DAVAO CITY SPORTS COUNCIL

ELEMENTARY SCHOOL

JAKE ROXAS

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with