^

PSN Palaro

NCAA Basketball: Altas sinorpresa ng Blazers

-
Mala-moog na depensa ang inilatag ng defending champion College of St. Benilde dahilan upang malimita ang University of Perpetual Help-Rizal sa isang basket sa final canto upang igupo ang Altas sa iskor na 76-63 sa pagpapatuloy kahapon ng 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalong ito ng Blazers, ikaapat sa kanilang siyam na laro ang nagpalakas ng kanilang kampanya na maipagtanggol ang hawak na korona matapos na ipatikim naman sa Altas ang kanilang ikaanim na talo matapos ang apat na panalo sa 10 laro.

Bumandera sa opensa ng Taft-based dribblers sina Sunday Salvacion at Mark Magsumbol na kumana ng tig-15 puntos.

"It was all team effort. The boys played aggressive and put pressure on Chester Tolomia and Gilbert Malabanan," pahayag ni St. Benilde coach Dong Vergeire.

"But the struggle is not yet over. Gusto talaga naming ma-improve ang position namin in this second round, that’s why we still have to win as many games as posible," dagdag nito.

Naging tinik sa lalamunan ng Perpetual si Salvacion na pumukol ng 11-puntos sa first half na naghatid sa St. Benilde sa 41-21 kalamangan sa pagsapit ng halftime.

Nakipagsanib naman ng lakas si Tolomia na tumapos ng game-high na 20-puntos bukod pa sa walong rebounds at two-blocks, kay Jason Jensen sa pagbangon ng Altas na nakalapit sa 42-50 sa ikatlong quarter at nang nakisama si Malabanan ay lalo pang lumapit ang Perpetual sa 55-61 sa ikaapat na quarter.

Ngunit naging epektibo naman ang laro nina Magsumbol at Alexander Magpayo na gumanti ng 8-3 run upang muling makalayo ang Blazers sa 69-58, 2:10 ang natitirang oras sa laro.

Nanatiling may tsansa ang Altas ng umiskor ng tres si Tolomia ngunit nalimitahan ang Perpetual sa isang basket habang siniguro ng Blazers ang kanilang tagumpay sa kanilang five-of-six free-throw shooting bago ang buzzer beating shot ni Magsumbol.

vuukle comment

ALEXANDER MAGPAYO

ALTAS

CHESTER TOLOMIA AND GILBERT MALABANAN

COLLEGE OF ST. BENILDE

DONG VERGEIRE

JASON JENSEN

MAGSUMBOL

MARK MAGSUMBOL

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with