^

Probinsiya

Bank manager natagpuang sabog bungo sa sasakyan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Bank manager natagpuang sabog bungo sa sasakyan
Ang biktima na hindi pa tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan, residente ng Baguio City, ay natagpuan sa loob ng isang nakaparadang sasakyan ng isang residente noong Setyembre 29 at inireport sa mga opisyal ng Barangay Twinpeaks. Ipinaabot naman ito sa Barangay Camp 3 na agad na nag-alerto sa mga awtoridad.
STAR / File

Tatanggap sana ng award

BAGUIO CITY, Philippines — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa pagkamatay ng isang 56-anyos na bank department manager na natag­puang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang sasakyan sa Kennon Road, sa pagitan ng Barangay Camp 3 at Twinpeaks sa Tuba, Benguet nitong Martes ng hapon.

Ang biktima na hindi pa tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan, residente ng Baguio City, ay natagpuan sa loob ng isang nakaparadang sasakyan ng isang residente noong Setyembre 29 at inireport sa mga opisyal ng Barangay Twinpeaks. Ipinaabot naman ito sa Barangay Camp 3 na agad na nag-alerto sa mga awtoridad.

Rumesponde sa lugar ang mga pulis, crime scene investigator at barangay health worker. Nakita ang biktima na nakaupo sa front passenger seat at nagtamo ng tama ng bala sa ulo. Nakarekober ang mga imbestigador ang isang caliber .22 revolver sa lugar.

Idineklarang patay ang biktima dahil sa traumatic brain injury na dulot ng tama ng bala sa ulo.

Ayon sa asawa ng biktima, umalis ang nasabing bank manager nang mag-isa sa kanilang bahay dakong alas-7 ng gabi noong Setyembre 28 at sinabing tutungo sa Maynila upang tumanggap ng parangal na nakatakda alas-3 ng hapon kinabukasan. Nang hindi na siya makontak ng kanyang mga kasamahan at nalaman nilang hindi siya nakarating sa Maynila, ipinaalam nila ito sa kanyang asawa na agad namang nag-report sa Baguio City Police Office Station 6.

Sinusuri na ng awtoridad ang mga CCTV footages sa dinaanang ruta ng biktima upang matukoy ang mga pangyayari bago ang kanyang pagkamatay.

BANK MANAGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with