UP lalapit sa Final Four
MANILA, Philippines — Lalapit ang University of the Philippines sa pagsilo ng pang-anim na sunod na Final Four appearance kaya walang ibang nasa isipan nila kundi ang payukuin ang kalabang Adamson University ngayon sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum.
Ang panalo sa tapatan na magsisimula sa alas-6 ng gabi ay hindi lamang magpapalakas sa tsansa ng UP sa Final Four, kundi magpapatibay sa kanila sa pagkapit sa solong liderato.
Nakatambay sa No. 1 spot ang UP na may 7-2 record, nasa pangalawa ang National University (7-3) at tersero ang defending champion La Salle (6-4).
Giriian naman ang Far Eastern University at University of the East sa alas-2:30 ng hapon.
- Latest




















