^

Police Metro

AFP nakaalerto sa resbak ng BIFF-Karialan terrorist

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakaalerto ngayon ang Army’s 6th Infantry Division (ID) sa ‘heigh­tened alert’ kaugnay ng ­posi­b­leng resbak ng mga tero­ristang grupo matapos na mapaslang sa engkuwentro ang isang mataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) terrorist at 11 nitong mga tauhan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Lunes.

Ayon kay Lt. Col. Dennis Almoranto, ang pag-alerto sa mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) Central ay base sa direktiba ni Army’s 6th ID Commander Major Gen. Alex Rillera dahilan sa inaasahang resbak ng BIFF-Karialan faction.

Magugunita na noong Lunes ay napatay sa bakbakan ang lider ng BIFF Karialan faction na si Mohiden Animbang, alyas Kagui Karialan na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang na ang pambobomba, extortion, multiple murder, arson at iba pa.

Napaslang din ang 11 pa nitong miyembro, kabilang ang kaniyang kapatid na si Saga Animbang, Ope­rations Chief ng BIFF Karialan terrorists sa engkuwentro sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan ng nasabing lalawigan.

Sinabi ni Almoranto na karaniwan ng rume­resbak ang mga tero­rista kapag nalalagasan ng lider at mga kasamahan kaya inalerto na nila ang kanilang mga tauhan.

Sinabi ni Almoranto na ang mga resbak scenario ay bahagi ng taktika ng BIFF at dito’y nakahanda ang tropa ng mga sundalo upang supilin ang mga kalaban.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga sundalo sa nalalabi pang mga miyembro ng BIFF-Karia­lan faction.

vuukle comment

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with