^

Bansa

Romualdez, humirit na bawiin 90-araw na suspension

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Romualdez, humirit na bawiin 90-araw na suspension
The Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) released screenshots from CCTV footage showing former House speaker Martin Romualdez inside the detention facility.
Photo courtesy of BJMP

MANILA, Philippines — Hiniling ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division na muling pag-aralan ang kautusan nitong isailalim siya sa 90-araw na preventive suspension bilang miyembro ng Kamara habang nililitis ang kinahaharap niyang kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025.

Sa inihain nitong motion for reconsideration, hiniling ng kampo ni Romualdez na baligtarin ang resolusyon noong Nobyembre 10 na nag-uutos sa kanya na pansamantalang huminto sa pagganap ng mga tungkulin sa kanyang tanggapan.

Iginiit ng mga abogado ng kongresista na nagkamali ang korte nang ideklarang balido ang information na nagsisilbing batayan ng preventive suspension. Anila, hindi malinaw sa sakdal kung sino ang pa­ngunahing responsable sa umano’y plunder at kung magkano ang bahagi ng bawat akusado, kabilang si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, sa sinasabing P7.44 bilyong pondo.

Hindi rin umano dapat ipagpaliban sa paglilitis ang mga usapin tungkol sa antas ng partisipasyon ni Romualdez at sa mga transaksyong iniuugnay sa kanya, dahil mahalaga ang mga ito sa pagtukoy kung may sapat na batayan para sa suspensyon.

Iginiit din ng kampo ni Romualdez na hindi na kailangan ang preventive suspension dahil nananatili na siyang nakadetine sa New Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with