^

PSN Opinyon

Hindi lahat kay Vico

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

May mga taong kahit anong gawin ng isang lokal na pamahalaan, may masasabi pa rin. Basta may maipintas at maipost sa social media, kuntento na.

Namahagi ang Mandaluyong City ng tig-iisang service vehicle sa 27 barangay para sa emergency response, patient transport, patrol at disaster response. Pero sa halip na tingnan ang pakinabang, may vlogger agad na nagtanong: Bakit hindi raw gayahin si Pasig Mayor Vico Sotto na bumili ng mga bus para sa libreng sakay?

Aba, teka lang! Kailangan ba lahat ng mayor ay magpaalam muna kay Vico bago bumili ng sasakyan? Kapag bus ang binili sa Pasig, bus na rin ba ang dapat bilhin sa Mandaluyong?

Magkaiba ang pangangailangan ng bawat lungsod. Sa San Juan, namahagi rin ng sasakyan si Mayor Francis Zamora. Sa Valenzuela, may mga sasakyan ding inilaan para sa police patrol. Bakit Mandaluyong lang ang pinag-iinitan? Selective criticism ba ito?

Ayon sa lungsod, 2002 pa huling napalitan ang service vehicles ng mga barangay. Dumaan din umano sa tamang proseso ang bagong pagbili.

Kung may iregularidad, ilabas ang ebidensiya. Kung may paglabag, panagutin. Pero kung ang puna ay dahil lang hindi bus ang binili, baka hindi proyekto ang problema kundi ang paghahanap ng masisiraan.

Magaling si Mayor Vico, walang usapan. Pero hindi siya ang blueprint na kailangang kopyahin ng lahat ng mayor. Hindi lahat kay Vico!

At kung bawat proyekto ni Mayor Menchie Abalos ay gagawing pagkakataon para banatan siya, baka hindi na serbisyo ang pinag-uusapan kundi pulitika.

Parang nanga­ngamoy-eleksyon na! Tandaan, hindi paramihan ng ginayang mayor ang sukatan ng pamamahala. Ang mahalaga, may napaglilingkuran at natutulungan ang mamamayan.

 

VICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with