Robbery sa jewelry store sa Bulacan, solved sa 48-hrs!
Strike and withdraw! Ito ang pagsalarawan ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez na modus operandi ng remnants ng Boratong Baleleng gang, na nasa likod ng P20 milyon robbery incident sa Bulacan. Kaya lang, sa tiyaga ng mga tauhan ni Mendez, kasama na ang CCTV backtracking, naaresto ang lima sa mga suspects, isa dito babae na kanilang “financier.” Araguyyyyy! Ang isa sa walong suspects, ay nasakote sa NAIA Terminal 3 kung saan pauwi na s’ya sa Cagayan de Oro. “May mga tao sila dito sa Luzon na naghahanap na bibirahin. Kapag na-validate na nila ang target, pupunta na ang ibang kasamahan dito at isasagawa na ang plano nila,” ani Mendez. “Pagkatapos ng bira, karamihan sa kanila uuwi na sa probinsiya,” ang saad pa ni Mendez. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon kay Bulacan provincial director Col. Jay Baybayan, pinasok ng mga suspects ang jewelry shop sa Malolos, dinisarmahan ang dalawang security guards sabay kulimbat ng mga ibinibentang alahas. Tumakas ang mga ito sakay ang dalawang motorsiklo, na inabandona naman sa ‘di kalayuang lugar. Sa tulong ng CCTV footages, na-trace nina Baybayan at Malolos police chief Lt. Col. Jordan Santiago na apat sa mga mga suspects ay lumipat sa black Mitsubishi Adventure (YKX 850) samantalang ang dalawa pa ay sumakay sa tricycle, na may biyaheng Bgy. Pinagbakahan. Sa patuloy na hot pursuit operations ang isa sa mga suspects, na si John Rovic Abano, ay tumakbo ng makita ang papalapit na mga pulis at nakorner naman. Ayaw nitong mag-cooperate sa imbestigasyon, ayon kay Santiago. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Mendez, sa patuloy na CCTV tracking napansin si Aurly Lopez, na naka-blue t-shirt, na pumasok sa isang ticketing office sa Bgy. Catmon at natuklasan na naka-book s’ya sa flight sa NAIA Terminal 3 pauwi sa Cagayan de Oro. Inaresto s’ya sa airport. Ang Mitsubishi Adventure ay na-flag down sa Balibago Stoplight sa Sta. Rosa, Laguna at inaresto sina Donald Alo, 45, at Christine GIngco, 48. Ayon kay Mendez, ang financier ng grupo na si Maricel Decierdo, 44, ay inaresto sa Purok Villanueva, Bgy. Dipolo, Molave, Zamboanga del Sur. Si Decierbo, na may maraming alyas, ang bumili ng dalawang ginamit sa motor, ani Mendez. Dipugaaaaa! Teka, teka! May narekuber na minimal loot ha? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon kay Mendez, kilala na nila ang lahat ng sangkot sa kaso at kinasuhan sila ng robbery with intimidation committed by a band sa Malolos prosecutor’s office. Abangan!
- Latest




















