Ang bagong numero para i-convict si Sara
Lumalabas na mukhang 14 na boto ang bagong voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Yari! Nanaig ang pagtingin na 20 senator-judges lamang ang may legal at factual na kakayahang lumahok sa paghatol.
Hindi binago ang constitutional requirement na two-thirds. Ang nabago ay kung sino ang dapat isama sa denominator.
Ang two-thirds ay nananatiling buo; denominator lamang ang nilinaw.
Oo nga naman. Bakit bibilangin sa “all Members of the Senate” ang mga miyembrong hindi naman aktuwal na makagaganap bilang senator-judge?
Si Bato dela Rosa ay isa nang pugante. Sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta ay nakakulong kaugnay ng mga kasong plunder. Si Loren Legarda naman ay nasa abroad dahil sa extended medical leave. Iba-iba ang dahilan, ngunit pareho ang praktikal na problema: wala sila sa impeachment proceedings at walang katiyakang kaya nilang gampanan ang tungkulin ng isang senator-judge.
Bago ito, may konting drama. Nagsalita si Camille Villar. Huwag daw tawaging magnanakaw ang mga kapwa niya senador. Mabilis ang sigaw ng taumbayan: Huwag kasi kayo magnakaw!
Siyempre, umeksena naman si Alan Peter Cayetano. Umapela na huwag baguhin ang threshold. Nagbanta ng “mistrial.” Weh! Tatlo sa apat na dating Supreme Court justices, kabilang ang tatlong dating Chief Justices (CJs), ang nagsabi na may kapangyarihan ang Senate impeachment court na baguhin ang voting threshold. Walang nabanggit na “mistrial.” Mas kapani-paniwala ang legal opinions ng tatlong CJs kaysa kay KJ (Kaldero Justice).
Matapos matalo ang apela na huwag pagbotohang baguhin ang voting threshold, hindi na lumahok ang Senate Duterte bloc nina Alan Peter, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.
Sa huli, 13 senator-judges ang bumoto pabor sa bagong threshold, kasama si Mark Villar. Patunay ito na hindi monolitiko ang posisyon ng mga Villar sa paglilitis ni Sara.
Dress rehearsal ito sa vote to convict ng impeachment court. Things don’t look good for Sara.
Pero para sa House prosecution team, mabago man o hindi ang voting threshold, buo ang tiwala nito na matibay ang kanilang ebidensiya laban kay Sara.
Ayon kay Akbayan Rep. Chel Diokno, 16 man o 14 ang threshold, pareho ang ebidensiyang ihaharap. Pareho ang kanilang tiwala na mapapanagot si Sara. Mismo!
- Latest


















