^

PSN Opinyon

Farming is enjoyable & profitable...ICFP GARDEN

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isa pang grupo na nagsusulong ng organic farming sa bansa at tulong-tulong sa pagsusulong ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay, prutas, pag-aalaga ng isda at hayop  sa kanilang lugar sa isang village sa Valenzuela.

Ang aking tinutukoy ay ang Integrated Community Food Production (ICFP) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Precesila Labsan. Makikita ito sa Disiplina Village, Barangay Bignay Valenzuela City.

Ayon kay Precesila, itinatag nila ang kanilang samahan para sa iisang layunin na makatulong na mag-provide ng masarap at masustansiyang pagkain sa kanilang village.

Nais din ng grupo ni Precesila na makatulong sa isinusulong na food security ng Valenzuela City.

“For me, farming is enjoyable and profitable,” ani Precesila.

Bukod sa mga tanim sa kanilang ICFP Garden ay may kanya-kanya rin tanim sa kani-kanilang bahay ang grupo ni Precesila para makatipid sa gastusin at masustansiya ang pagsasaluhan ng kanilang pamilya. Nasa 2,000 square meter  na bakanteng lote sa loob ng village ang pinagtutulong-tulungan na bungkalin at taniman ng grupo ni Precesila. Katabi ng public market sa Disiplina Village, ang garden ng ICFP.

Nagtayo rin sila ng isang tindahan sa harap ng garden na ang mga paninda ay kanilang ani. Ilan sa maramihang tanim ng grupo ni Precesila ay Chinese kangkong, talong, okra, lettuce, sa-ging,  luyang dilaw,  kamoteng kahoy at iba pang gulay at prutas. Kung dati ay halos sapat lang ang kanilang kinikita para makabili ng bigas at iba pang pangangailangan ng kanilang pamil-ya, ngayon ay nakakapagpapaaral pa sila ng kanilang mga anak at  nakakapag-savings din.

Malugod na nagpapasalamat si Precesila sa mga taong tumutulong sa kanila sa pangunguna ng Local Government ng Valenzuela City, partikular kay Mayor Weslie Gatchalian, Municipal Agriculturist na si Dr. Basil Sison at Delmar Amaro na personal at palagiang bumibisita sa kanila para alamin ang kanilang pangangailangan.

Nagpapasalamat din ang grupo ni Precesila sa Bureau of Plant Industry (BPI) sa pagbibigay sa kanila ng greenhouse at Bureau of Fishieries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagbibigay sa kanila ng  fishpond at alagang hito at tilapia.

Hinihikayat ni Precesila ang lahat na magtanim ng sariling pagkain, mag-alaga ng isda at hayop. Nagbibigay din ng libreng punla ang grupo ni Precesila sa kanilang mga ka-village na nais ring magtanim.

Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang gulay, isda, prutas at iba pang produce ng grupo ni Precesila ay magsadya lamang po kayo sa kanilang garden na katabi ng palengke sa Disiplana Village, Bignay Valenzuela City.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. Stay safe. Salamat po. Happy farming, God bless us all.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with