^

PSN Opinyon

Malnutrisyon sa mga kabataan susugpuin

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchhalian - Pilipino Star Ngayon

Aprubado na ng Senado ang isang panukalang batas na layong patatagin ang programa ng pamahalaan upang sugpuin ang malnutrisyon. Sa ilalim ng Expanded National Nutrition Pro­g­ram Act (Senate Bill No. 2272), tutugunan natin ang panganga­ilangan ng mga batang Pilipino pagdating sa nutrisyon, mula sa unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata hanggang sa edad ng kanilang pagpasok sa paaralan.

Napapanahon ang pagpasa natin ng panukalang ito, lalo na’t marami sa mga kabataang Pilipino ang nakakaranas ng malnutrisyon. Batay sa datos ng DOST-Food and Nutrition Re­search Ins­titute (DOST-FNRI), lumalabas na isa sa apat na batang wala pang limang taong gulang ang stunted o maliit para sa kanilang edad.

Nagiging stunted ang isang bata kung kulang ang nutris­yong natatanggap nito sa unang 1,000 araw ng kanyang buhay. Kung stunted ang isang bata, napipinsala ang kanyang kakayahang matuto nang husto sa paaralan. Kaya naman nakakabahalang isa sa apat na batang Pilipinong wala pang limang taong gulang ang stunted. Nakikita nating malalim ang ugnayan ng malnutrisyon sa krisis sa edukasyong ating hinaharap, at sa bandang huli ang kinabukasan ng ating bansa ang lubos na maaapektuhan.

Kaya naman sa ilalim ng inaprubahan nating batas, pata­tagin natin ang mga programa ng ating pamahalaan para sa kalusugan ng mga kabataan. Maliban sa paghahatid ng mga programa para sa unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata, palalawakin na rin ang saklaw ng School-Based Feeding Program.

Magiging saklaw ng naturang programa ang lahat ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3. Titiyakin na­man ng prog­rama ang patuloy na suporta sa mga mag-aaral na Grade 4 hanggang Grade 6. Magiging saklaw na rin ng programa ang mga batang ina, kabilang ang mga humaharap sa matinding kaku­langan sa nutrisyon.

Makakaasa naman ang ating mga kababayan na sa pagta­lakay ng 2027 national budget, patuloy nating titiyaking may pondo ang mga feeding program para sa ating mga mag-aaral.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with