^

Probinsiya

Mag-asawa ninakawan na, pinatay pa!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa ninakawan na, pinatay pa!
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-asawang Moro na ninakawan na, pinagbabaril pa ng mga armadong kalalakihan sa Montawal, Maguindanao del Sur nitong Martes ng gabi.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang mag-asawang Moro matapos na pasukin at pagnakawan ng mga armadong lalaki at pinagbabaril pa hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Matiyumpong, Barangay Dalgan, Montawal, Maguin­danao del Sur nitong gabi ng Martes.

Kinilala ng mga local executives sa Montawal at Pagalungan sa Maguindanao del Sur at sa kalapit na Bangsa­moro Special Geographic Area sa Cotabato, ang mag-asawa na sina Alex Monib Pandapatan at Bai Macabimban Salipada-Pandapatan na kapwa idineklarang dead-on-the-spot dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang mga armadong lalaki sa bahay ng mag-asawang Pandapatan, mabilis na nag­halughog at pinagkukuha ang mga pera, alahas, at cellphone ng mga biktima, saka sila pinagbabaril ng mga assault rifles at agad na tumakas.

Nakatakas ang mga salarin bago pa makara­ting sa lugar ang mga boluntaryong community watchman at mga opisyal ng barangay sa Dalgan na rumesponde sa insidente.

MAGUIN­DANAO DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with