^

PSN Opinyon

Bill shock sa kuryente, solar program palpak

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Mataas na naman ang singil sa kuryente. Nitong Hulyo, itinaas ng Meralco ang rate ng P0.3428 kada kilowatt-hour. Sa konsumo ng 200 kWh, dagdag na P69 ito. Maliit sa papel, mabigat sa pamilyang pinagkakasya ang kita sa pagkain, matrikula at gamot.

Kapag nagmahal ang fuel, humina ang piso o nagka­problema ang supply, consumer ang sumasalo. Maaaring pass-through ang bahagi ng bayarin, ngunit mali ang sis­temang kayang makabawi ang mga kumpanya habang walang proteksiyon ang pamilya sa pagtaas.

Hindi nagsimula sa administrasyong Marcos ang kabiguan. Sa panahon ni ex-Pres. Duterte inilunsad ang Green Energy Auction Program, ipinatupad ang moratorium sa greenfield coal projects, at itinakda ang 35% renewable-energy target pagsapit ng 2030. May pundasyon, ngunit mabagal ang implementasyon at nanatiling nakaasa sa imported coal at gas.

Hindi maaaring gawing palusot ng administrasyon na minana lamang nito ang problema. Apat na taon na nitong­ hawak ang Department of Energy, budget, regulasyon at kapangyarihang mag-alis ng sagabal. Ang minanang prob­lemang hindi nilulutas ay nagiging pananagutan. Bill, hindi press release, ang binabayaran ng publiko.

Linawin natin: hindi palpak ang solar energy. Palpak ang solar program. Gumagana ang teknolohiya at nakaba­bawas sa konsumo mula sa grid. Ang palpak ay mahal na ins­tallation, limitadong financing, mabagal na permits, kom­plikadong net metering, mahinang grid integration at kulang na battery sto­rage. Kaya may pera lamang ang madaling naki­kinabang.

Dapat bantayan ang panawagan ng Meralco laban sa hindi rehistradong rooftop solar. Mahalaga ang safety stan­dards at proteksiyon sa grid. Ngunit hindi dapat gawing pa­nakot o red tape ang regulasyon. Bawat kilowatt-hour mula sa sariling bubong ay kuryenteng hindi na binibili sa distributor—isang malinaw na commercial interest.

Kailangan ang net metering, one-stop permits, murang pautang, solarization ng paaralan at government buildings, mas malakas na transmission at battery storage. Sa bansang sagana sa araw, kahiya-hiyang manatiling mahal ang kuryente. Sumisikat ang araw araw-araw, ngunit dahil palpak ang programa, patuloy na tumataas ang bill.

KURYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with