^

Police Metro

Marcos tumaas ang ratings, pero mas angat pa rin si VP Sara

Mer Layson - Pang-masa
Marcos tumaas ang ratings, pero mas angat pa rin si VP Sara
Vice President Sara Duterte and President Ferdinand R. Marcos Jr.
STAR / File

MANILA, Philippines — Batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong nakaraang buwan ay bahagyang tumaas ang approval at trust ratings ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pero mas nanatili pa rin na mas mataas ang ratings ni Vice Pres. Sara Duterte.

Sa naturang survey, nabatid na tumaas ng 1% ang approval rating ni PMarcos o mula 29% ay naging 30% kumpara noong Hulyo 2026.Tumaas din ng trust ratings ang kanyang trust ratings ng mula 29% ay naging 28%.

Bagama’t dumausdos ng dalawang percentage points ang approval rating ni VP Sara at naging 54% mula sa dating 56% noong Hulyo, ay mas mataas pa rin ito sa nakuha ni Marcos.

Bumaba rin naman ng tatlong percentage points ang kanyang trust rating na nasa 55% pa rin mula sa dating 58%.

Sa pangkalahatan, napanatili ni Duterte ang pag-apruba at tiwala ng karamihan ng mga adult Pinoys.

“Small majorities continue to approve of the Vice-President’s performance (54%) and trust her (55%) while near majorities are critical of the President’s work (49%) and express distrust in him (48%),” anang Pulse Asia.

Pinakamataas ang nakuhang trust rating ni Marcos sa Balance Luzon (43%), at sa Class ABC (33%) at Class D (30%).Nakakuha naman ng most trust si Duterte sa Mindanao (94%) at sa Class E (69%).

Ang survey na isinagawa mula Setyembre 17 - 24, 2026, ay gumamit ng face-to-face interviews, sa 2,400 adults na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.

Mayroon itong ± 2% error margin sa 95% confidence level, at ± 4% error margin sa 95% confidence level sa Metro Manila, natitira pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with