^

PSN Opinyon

Taas-pasahe hindi mapipigilan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Taas-pasahe hindi mapipigilan

Huling nagtaas-pasahe ang gobyerno nu’ng 2005. Sumipa ang diesel noon sa P45 per liter. Mas mura noon ang sahod at spare parts.

Makalipas ang 21 taon mahigit doble na ang presyo ng diesel: P105 per liter. Ilang ulit tumaas ang sahod sa lahat ng rehiyon. Trumiple ang presyo ng spare parts.

Umuungol na ang mga tsuper at kooperatiba ng jeep­neys. Sa krudo lang napupunta ang kita sa maghapong pasada. Walang naiuuwi. Hindi na mahulugan ang modern­ jeepneys na sapilitan ng gobyernong ipinamalit sa marumi at maingay na sinaunang units.

Nanganganib ang mga banko na nagpautang para sa modern jeepneys – lalo na ang DBP at Landbank ng gobyerno. Mapipilitan silang rematahin ang modern jeepneys na hindi na mabayaran. Kung hindi ipinapasada, mabubulok lang ang mga rematadong jeepneys. Walang bibyahe. Kawawa ang mga mananakay.

Umaangal na rin ang bus operators. Tuwing makalawa na lang binabyahe kada unit, para makatipid sa krudo at pasuweldo. Pinaka-apektado nito ang maliliit na negos­yante. Hindi sila pwede sa motorsiklo lang dahil wasak at baha ang mga kalye.

“Huling solusyon ang taas-pasahe,” anang mga opis­yales. Pero wala na silang pondong pang-subsidiya sa murang diesel. Walang maibigay na tulong sa jeepney cooperatives at bus companies.

Tinanggalan pa ng buwis ang kerosene at LPG, kaya lalong bagsak ang kinikita ng gobyerno.

Patuloy ang giyera sa Middle East, kaya bagsak ang supply at mahal ang petrolyo. Bagsak pa ang halaga ng piso kontra dolyar na pambili ng petrolyo. Hindi maiiwasan ang taas-pasahe. Kasunod nu’n magmamahal ang pagkain, tubig, gamot, damit, groceries, gamit sa eskwela at opisina, upa, at hardware.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PASAHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with