^

PSN Opinyon

Mahalagang payo sa may TB

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1.Ang sintomas ng TB ay pag-ubo, pamamayat, pagkapagod, lagnat sa hapon, pawisin sa gabi at walang ganang kumain. Kung may sintomas nito o kung may kasama sa bahay na may TB, kumunsulta na sa doktor.

2. Huwag manghawa ng ibang tao. Sundin ang payo ng doktor at inumin ang gamot ng anim o siyam na buwan. Kapag hindi nagpagamot ang pasyenteng may TB, malamang mahawa rin ang lahat ng kasama niya sa bahay, lalo ang mga bata.

3. Manatili sa bahay sa unang 3 linggo ng gamutan. Huwag munang pumasok sa eskwelahan o trabaho. Ang iyong plema at laway ay puwedeng makahawa sa iba.

4. Buksan ang bintana sa kuwarto. Huwag muna makisama sa iba sa loob ng tatlong linggo.

5. Takpan ang bibig ng tissue kapag umuubo. Itapon ang tissue sa basurahan.

6. Kung gusto mong lumabas ng bahay, puwede kang magsuot ng face mask.

7. Mahalaga na tapusin ang anim o siyam buwan na gamutan para sa TB. Huwag ititigil ito nang walang pahintulot ng doktor.

8. Sumunod sa healthy lifestyle at umiwas sa bisyo. Kumain ng masustansya.

9. Maging positibo sa iyong pananaw. Ituloy ang mga gawain at hobbies.

10. Pagkatapos ng gamutan, malaki ang tsansang gagaling na sa TB.

TB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with