^

PSN Opinyon

Ang panganib ng Artificial Intelligence

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Matagal ko nang nais talakayin ang napapanahong paksang ito ngunit mas maraming mainit na isyu na dapat unahin. Ito ay ang kagilagilalas na ebolusyon ng artificial­ intelligence (AI) na sa tingin ko’y nahigitan na ang karu­nu­ngan ng tao sa pagiging malikhain.

Bagama’t may bentahe ito partikular sa pagpapabilis ng mga gawain, tila mas nakahihigit ang panganib na posibleng idulot nito. Halimbawa, puwede itong lumikha ng video upang palitawing may ginagawa o sinasabi ang isang tao na hindi naman talaga ginawa o sinambit.

Maaaring palitawin na ang isang inosenteng indibidwal ay gumawa ng karumal-dumal na krimen upang ang tunay na may sala ay makalusot sa hustisya.

Posible ring lumikha ng sex video laban kanino man at gamitin ito’ng pam-blackmail.

May serye ng video sa Facebook na doo’y nag-uusap sina dating Presidente Arroyo, Duterte at Erap kasama si Presidente Bongbong Marcos at pulos kabalbalan ang pinag-uusapan. Kung diringgin, talagang boses nila ang nag­sasalita ngunit ito ay likha lang ng teknolohiya ng arti­ficial intelligence. Nakakatuwa sa una ngunit kapag natanto mo na maaari itong gamitin sa krimen at paninira sa isang indibidwal, mangingilabot ka.

Marami nang mga celebrities na nagrereklamo na ang pineke nilang katauhan ay ginagamit sa pag-endorso ng mga produkto. Kaya ngayon pa lang ay nababahala na ang PNP Cybercrime Group sa tinatawag nilang “deepfake” videos na lumalaganap ngayon sa cyberspace.

Darating ang panahon na ang mga larawan, video at recorded messages ay hindi na maaaring gawing ebidensiya sa korte. Hindi bale sana kung ang AI ay gagamitin lang sa mabuti ngunit ang tao ay likas na creative lalo na sa mga bagay na labag sa batas.

vuukle comment

AI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with